Posts

Showing posts from November, 2018

PRRD, hinikayat ang mga Katokilo na huwag nang pumunta sa simbahan

Image
Read article on https://rmn.ph/hinimok-prrd-hinikayat-ang-mga-katokilo-na-huwag-nang-pumunta-sa-simbahan/ Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mananampalatayang Katoliko na huwag nang pumunta sa mga simbahan. Sa halip, sinabi ng Pangulo na maaring ipahayag ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagtatayo ng sariling chapel sa loob ng bahay. Loading... Pero nilinaw naman ng Pangulo na mayroong mga pari na malapit niyang kaibigan. Binanatan din ng Pangulo ang ilang obispo na humihingi ng sasakyan sa gobyerno. Tinuligsa rin ng Pangulo ang ilang aral na itinuturo ng simbahan at ang pangongolekta ng bayad para sa baptismo, kasal at mga serbisyo para sa mga patay. Matatandaang tinukoy ng Pangulo ang insidente noong 2009 kung saan nag-request ang namayapang si Butuan City Bishop Juan De Dios Pueblos kay dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang 66th birthday. Loading...

Death Squad vs NPA, Hindi Solusyon sa mga Problema ng Bansa ayon kay Kiko Pangilinan

Image
Read article on  https://rmn.ph/iginiit-death-squad-vs-npa-hindi-solusyon-sa-mga-problema-ng-bansa/ Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan na hindi makakatulong sa pagresolba sa mga problema ng bansa ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuo ng death squad laban sa New Peoples Army o NPA. Loading... Diin ni Pangilinan, sa halip na matugunan ang pagtaas ng presyo bilihin at kakulungan ng trabaho ay lalo lamang titindi ang karahasan at magmimistulang wala ng batas na iiral kapag natuloy ang nais na death squad ng Pangulo. Naniniwala naman si Trillanes na may tatlong layunin si Pangulong Duterte sa bantang death squad kung saan pangunahin ang pagpapalaganap ng takot sa puso’t isipan ng mamamayan. Ikalawang, ayon kay Trillanes ay ang paglinlang sa International Criminal Court o ICC na ngayon lang siya bubuo ng death squad at wala siyang kinalaman sa mga naganap ng kaso ng patayan sa bansa. At ang ikatlo aniya ay para makuha ang atensyon ng media at ng pub...